Naniniwala si National Bureau of Investigation o NBI Spokesman Ferdinand Lavin na posibleng kilala ng may-ari ng Gream Funeral Parlor ang mga nagbabanta sa kanyang buhay.
Matatandaang iniharap ng NBI sa media noong Biyernes ang retiradong pulis na si Gerardo Santiago na may-ari ng nasabing punerarya kung saan crinemate ang dinukot at pinatay si Korean businessman Jee Ick Joo.
Ayon kay Lavin, normal lang na balewalain ng isang karaniwang tao kung may pagbabanta sa kanyang buhay.
Ngunit tila alam ni Santiago kung paano pumatay ang mga nagbabanta sa kanyang buhay kaya ganoon na lamang ang takot nito.
Kusang loob na nagpasailalim si Santiago sa kustodiya ng NBI kasunod ng pag-uwi niya galing Canada upang linawin ang pagkakaugnay ng kanyang punerarya sa kaso.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco