Mahalaga ang magiging testimonya ng may-ari ng Gream Funeral Services na siyang nag-cremate sa labi ng Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kasama si Gerardo Santiago sa mga ipapatawag nila sa susunod na pagdinig sa Huwebes, Enero 2.
Maliban dito, sinabi pa ni Lacson na krusyal din sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga makukuhang impormasyon mula kay Santiago na isang retiradong pulis.
By Jelbert Perdez | Report from: Cely Bueno (Patrol 19)