Ipina-a-aresto ng Pampanga Regional Trial Court si Gerardo Gregorio Santiago, ang may-ari ng Gream Funeral Services Inc. sa Caloocan City na pinagdalhan ng labi ni Korean businessman Jee Ick Joo.
Ang kautusan ni Angeles City, Pampanga RTC Branch 58 Judge Irineo Pangilinan Jr. ay makaraang mapatunayan na pasok sa kasong kidnapping-for-ransom with homicide si Santiago bilang accessory.
Isandaang libong Piso ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Santiago.
Matatandaang lumabas sa reinvestigation ng DOJ na tinawagan si Santiago ng pangunahing akusado na si SPO3 Ricky Sta. Isabel para dispatsahin ang mga labi ni Jee, kapalit ng 30,000 piso at ng isang golf set.
Si Jee ay sapilitang tinangay ng grupo ni Sta. Isabel mula sa bahay nito sa Angeles City, Pampanga noong October 2016 at sinasabing pinatay mismo sa loob ng Camp Crame.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo