Nagbabala si Valenzuela City Representative Magtanggol Gunigundo sa may-ari ng pabrika ng tsinelas na nasunog at kumitil 72 manggagawa na maaari silang arestuhin kung magpapatuloy ang hindi nila pagdalo sa pagdinig ng House of Representatives Labor Committee.
Nakatakdang ipadala ang ikalawang imbitasyon sa mga directors at officers ng Kentex Manufacturing Corporation.
Sa pagdinig ng noong Miyerkules, na i-turn over ni Gunigundo kay Labor Committee Chairman Karlo Nograles ang mga dokumento ng Kentex mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Bigo naman magpakita sa labor committee hearing, ang Presidente ng Kentex na si Beato Ang, General Manager, Ong King Guan at Director Charles Ng na nagpadala na lamang ng abogado.
Hindi rin nagpakita sa hearing si Cynthia Dimayuga ng CJC Manpower Services, ang labor contractor ng Kentex.
By Mariboy Ysibido