Ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may-ari ng kumpanyang Mighty Corporation na si Alex Wongchuking.
Ito’y ayon sa Pangulo ay dahil sa isyu ng paggamit ng mga pekeng tax stamp sa pakete ng kanilang mga produktong sigarilyo.
Inamin din ng Pangulo na tinangka umano siyang suhulan ni Wongchuking noong siya’y nanunungkulan pa bilang alkalde ng Davao City.
Sa panig naman ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, kasong economic sabotage ang kasong kakaharapin ni Wongchuking dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps.
Dagdag pa ni Panelo, pinangangalandakan din umano ni Wongchuking na maimpluwensya siya at kaya niyang bilhin ang mga opisyal ng gobyerno.
READ: May-ari ng Mighty Corporation humarap sa DOJ
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)