Nauwi sa areglo ang aksidente sa pagitan ng mga Pilipinong mangingisda na sakay ng isang bangkang binangga ng isang barko sa Mamburao, Occidental Mindoro nitong nakalipas na June 27.
Ayon ito kay Philippine Coast Guard Commandant Admiral George Ursabia, Jr. kung saan itinakda sa Lunes, August 24 ang formal settlement sa kanilang headquarters sa port area sa Maynila.
Ito ay matapos pumayag ang mga mangingisdang sakay ng FV Liberty 5 na makipagkasundo sa MV Vienna Wood na nakabangga sa kanila.
Ipinabatid ni ursabia na tatanggap ng tig-P1-M mula sa MV Vienna Wood ang pamilya ng 12 Pinoy fishermen na nawawala at dalawa pang sakay ng FV Liberty 5.
Samantala ang Irma Fishing and Trading Incorporated na may-ari ng FV Liberty 5 ay tatanggap ng settlement amount na 40-M mula sa Mv Vienna Wood na naka-rehistro sa Hong Kong.