Hawak na ng NBI o National Bureau of Investigation ang isang retiradong pulis na may-ari ng Gream Funeral Services sa Caloocan kung saan dinala ang labi ng korean national na si Jee Ick Joo.
Sinundo ng mga kagawad ng NBI Anti-Illegal Drugs Task Force si dating SPO4 Gerardo Santiago sa NAIA Terminal 2 pagdating nito bansa mula sa Vancouver Canada.
Napag-alamang nakipag-ugnayan si Santiago sa NBI para isailalim siya sa protective custody ng NBI sa kabila ng kawalan pa ng warrant of arrest laban sa kanya.
Matatandaan na ang Gream Funeral Services ang nagpa-cremate sa labi ni Joo sa Nathaniel Crematorium at isa rin di umano sa mga tauhan nito ang nag-flash sa toilet ng abo ni Joo.
Sinasabing magkakilala si Santiago na siya ring barangay chairman ng Barangay 165 Bagbaguin Caloocan at si SPO3 Ricky Sta. Isabel, isa sa mga suspects sa pagpatay kay Joo.
By Len Aguirre | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)