Pinangalanan na ng Mandaluyong City police ang may-ari ng toyota RAV-4 na naka-hit and run sa security guard ng Megamall na si Christian Joseph Floralde.
Kinilala ni Mandaluyong chief, Col. Gauvin Unos ang may-ari na si Jose Antonio Valmonte, batay sa datos ng Land Transportation Office o LTO – NCR.
Gayunman, hindi pa malinaw kung si Valmonte ang nagmamaneho ng RAV 4 na may plakang NCO 3781 nang sagasaan si Floralde sa kanto ng Julia Vargas at Saint Francis noong linggo.
Inihayag ni LTO-NCR regional director, Atty. Clarence Guinto na naglabas na sila ng show cause order laban sa driver ng SUV habang ngayong araw nakatakda ang pagdinig sa kaso.
Nagpasalamat naman si Guinto sa netizens na nag-upload ng video ng insidente.