Maaari nang muling makabyahe ang mga Filipino sa South Korea.
Ito’y matapos payagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) maliban na lamang ang pagbyahe sa probinsya ng North Gyeongsang, Daegu City at Cheongdo County.
Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangan na lumagda ang mga Filipino ng health declaration form para tiyak na alam ng mga ito ang posibleng peligro sa kanilang pagpasok sa South Korea dahil sa Corona Virus Disease 2019 o COVID-19.
Magugunitang Pebrero 26 nang magpatupad ng partial travel ban ang Pilipinas sa South Korea dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.