Tinatayang isang milyong pisong halaga ng mga peke o counterfeit items ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, natuklasan nila sa isinagawang inspeksiyon sa Manila International Container Port (MICP) ang mga huwad na bag na may tatak na Louis Vuitton, Gucci at Chanel.
Maging ang mga hindi rehistradong face shields, face masks, fake medicines, at sabon ay kinumpiska rin ng BOC.
Sinasabing bahagi pa rin ito ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga counterfeit at unauthorized goods.