Nilinaw ng Philippine National Police o PNP na hindi tinanggal ang height requirement sa mga nag-a-apply na maging pulis.
Ito’y matapos lumabas noong Biyernes ang balita mula sa National Police Commission o NAPOLCOM na wala nang height requirement sa PNP simula sa darating na Abril.
Ayon kay Deputy Director General Fernando Mendez Jr., ang Deputy Director for Operations ng PNP, posibleng na ‘misquote’ lang si NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao nang ilabas ang nasabing balita.
Sa panayam ng DWIZ kahapon, nilinaw rin ni Casurao na tinanggal lang ang height requirement sa entrance exam, pero oras na makapasa rito ay susukatin pa rin ang taas na dapat hindi bababa sa 5’4 para sa mga lalaki habang 5’2 naman sa mga babae.
Samantala, hindi naman sang-ayon si PNP Chief Ronald Dela Rosa na i-require ang mga pulis na huwag lumagpas sa 34 inches ang waist line pero hihikayatin niya raw ang mga ito na magbawas ng timbang.
Ayon kay Bato, ang waistline niya ngayon ay 34 inches.
—-