Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs o DFA na may kanya-kanyang sistema ang mga bansang nagpapatupad ng parusang bitay kung paano nila inaabisuhan ang host country ng bibitayin.
Sa nangyaring pagbitay sa Overseas Filipino Worker o OFW na si Jakatia Pawa, aminado si DFA Assistant Secretary Charles Jose na huli nang naabisuhan ang pamahalaan pero ganoon siguro, aniya, ang sistema sa Kuwait.
Nang tanungin kung pupunta pa sa Kuwait si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, sinabi ni Jose na hindi na magtutungo roon ang kalihim.
Samantala, kinumpirma ni Jose na may isa pang Pinoy na nakatakdang bitayin ngunit wala pa siyang sapat na pagkakakilala sa nabanggit na Pilipino.
By: Avee Devierte / Allan Francisco