Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng mga lumusong sa tubig baha sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses na magtungo sa pinakamalapit na health center.
Ito ay upang mabigyan ng kinakailangang gamot laban sa leptospirosis at tetanus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, libreng ipinamamahagi sa mga health centers ang gamot na prophylaxis gayundin ang anti-tenanus shots.
Binigyang diin ni Vergeire, mahalagang makainom ng prophylaxis ang mga lumusong sa baha para makaiwas sa leptospirosis, isang nakamamatay na sakit na maaaring makuha sa ihi ng mga daga.
Samantala, sinabi ni Vergeire na inatasan na rin ang mga regional units ng DOH na magbigya ng suplay ng face mask sa mga evacuees para maiwasan naman ang pagkalat ng COVID-19 sa mga evacuation centers.