Tuwang-tuwa at tila dream come true para kay Kapamilya star May May Entrata na makita at makausap ng personal si Dabarkads Maine Mendoza.
Sa katunayan, ipinost pa ni May May sa kaniyang Instagram account ang litrato nilang dalawa ni Maine matapos ang isang shoot.
Inamin ni May May na bukod sa pagiging inspirasyon niya, si Maine ay naging inspirasyon din ng mga OFW o Overseas Filipino Worker.
Lalo na aniya ang kaniyang inang nasa Japan na nagkaroon ng Twitter para sundan ang tinaguriang Dubsmash Queen of the Philippines.
Dagdag pa ni May May, nagpasalamat din siya kay Maine sa kanilang pagkikita para sa pagbibigay ng inspirasyon sa lahat.