Nanindigan ang isang Commissioner ng COMELEC na mayroon pang mga gurong nagsilbing Board of Election Inspector noong nakaraang eleksyon ang hindi pa rin bayad.
Sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nasa 1000 guro pa sa buong bansa ang hindi pa nakatatanggap ng karampatang benepisyo matapos maglingkod noong May 9 elections.
Aniya, mahigit sa isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin bayad ang mga ito.
Maging ang mga cash card, ayon kay Guanzon, walang laman nang magpunta ang mga guro sa mga ATM
Ang hindi pa rin nababayarang mga guro ang isa sa mga unang concerns na ini-raise ng mga Commissioner ng COMELEC laban sa anila’y palpak na pamamalakad ni Comelec Chairman Andres Bautista.
By: Avee Devierte