May nakahanda nang pambili ng bakuna ang Pilipinas.
Ayon kay Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, P10-B ang inilaan nilang pambili ng bakuna sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2).
Sinabi ni Angara na sa pamamagitan nito, mas mabilis ang pagkilos ng bansa kapag mayroong nang bakuna o pwede nang mag bid kahit wala pa ang phase 4 ng clinical trials.
Gayunman, sinabi ni angara na bibilihin lamang ang bakuna kapag tapos ang phase 4 ng clinical trial at kapag mayroon nang certication mula sa World Health Organization. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)