Patuloy ang paggalaw papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong nasa silangang bahagi ng bansa.
Ipinabatid ng PAGASA na ang nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong halos 2,000 kilometro silangan ng Bicol region at taglay ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Ayon pa sa PAGASA pinalalakas ng bagyo ang umiiral na habanging habagat.
Kaugnay nito ibinabala ng PAGASA ang posibleng pagbaha sa western section ng bansa kayat dapat maghanda na ang mga residente rito.