Bahagi ng higit sa P57-bilyong inutang ng pamahalaan para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 ang kailangang P25 bilyong para mabakunahan naman ang mga kabataan sa bansa.
Ito’y ayon kay Senador Ping Lacson at aniya kung pagbabatayan ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay P30.46 bilyong lamang ang kakailanganin ng bansa para maturukan ng bakuna ang nasa P68.2 milyong populasyon ng Pilipinas.
Dagdag pa ng senador na ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na ang bansa ay may 68-milyong libreng doses ng bakuna kontra COVID-19 kabilang na ang 44-milyong doses na mula naman sa covax facility ng World Health Organization (WHO).
Sa huli, iginiit ni Lacson na kanya hinihingi ang mas malinaw na datos mula sa ating pamahalaan hinggil sa nagpapatuloy na vaccination program dahil napakahalaga aniyang matiyak na nagagamit ng tama ang kaban ng bayan.