Iginiit ng Malakaniyang may probative value ang ibinigay na intelligence report kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ito’y makaraang pangalanan ng Pangulo ang ilang personalidad na sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga sa bansa
Ayon kay Chief presidential legal counsel atty. Salvador Panelo, bagama’t may ilan sa mga nabanggit ay yumao na, lumabas sa intell report na nagsilbi pa ring protektor ang mga iyon nuong sila’y nabubuhay pa
Ginawa ni Panelo ang pahayag sa gitna ng batikos ng ilang mambabatas na sablay umano ang ibinigay na report sa Pangulo
Gayunman, idinagdag ni Panelo na maaari namang gamiting ebidensya ang intellegence report kung ito’y maisumite sa korte
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping