Gagamit na ng super typhoon at signal number 5 sa pagbibigay ng warning signal tuwing may bagyo ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang super typhoon ang ika-5 kategorya at gagamitin sa bagyo na may lakas na hangin na mahigit 220 kilometers per hour (kph).
Kabilang pa rin sa mga kategorya ang tropical depression na may maximum sustained winds o lakas ng hangin na 61 kph o mas mahina pa.
Tropical storm naman ang tawag sa bagyong may lakas na 62 hanggang 88 kph habang severe tropical storm para bagyong sa may lakas ng hangin na 89 hanggang 117 kph.
Typhoon category naman ang bagyong may lakas na 118 hanggang 200 kilometer kph.
Ayon sa PAGASA, hindi dahil nadagdagan ang mga babala ng bagyo ay dapat nang makampante ang publiko sa posibleng idulot ng mas mababang public storm warning signals.
By Mariboy Ysibido