Hindi isasailalim sa election hotspot ang lungsod ng Maynila.
Ito ang iginiit ng Manila Police District (MPD) sa harap ng mainit ng kampanya ng tatlong beteranong pulitiko na maglalaban sa pagka-alkalde sa May 9 elections.
Kabilang sa mga maglalaban sa mayoralty race sa Maynila ay sina incumbent Mayor Joseph Estrada, dating Mayor Alfredo Lim at Congressman Amado Bagatsing.
Ayon kay MPD Director CHief Supt. Rolando Nana, hindi niya irerekomenda na ilagay sa hotspot ang Maynila dahil naniniwala siya na susundin ng mga kandidato ang mga alintuntunin sa halalan at hindi sila gagawa ng anumang dirty tricks.
Ipinabatid din ni Nana na mayroong nilagdaang peace covenant ang ilang tumatakbong kandidato sa lokal na posisyon sa nabanggit na lungsod.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)