Kabilang ang Maynila sa may pinakamataas na naitalang kaso ng leptospirosis sa buong mundo.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, kung sa Mumbai, India ay mataas ang leptospirosis cases dahil sa templo ng daga na pinaniniwalaang sagrado, malalabanan naman ang sakit dahil pinapayagan pa rito ang rodent control o panghuhuli sa mga daga.
Iginiit din ng Kalihim na kung may disiplina lamang ang mga Pilipino sa tamang pagtatapon ng basura at mapapababa ang populasyon ng mga daga ay maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit kahit pa bumaha.
Sa datos ng DOH, umakyat na sa 17% ang kaso ng leptospirosis hanggang nitong a-tres ng Agosto, kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.