Inihayag ni OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David na nito lamang pasko ay nakapagtala ng 58 bagong kaso ng nakakahawang sakitang lungsod ng Maynila base narin sa naitalang data drop ng Department of Health nito lamang nagdaang pasko.
Sumunod dito ang Quezon City, na nakapagtala ng 25 bagong kaso; Las Piñas, na may 20 new cases; Zamboanga City at Davao City na may tig-13; Makati at Pasay cities na may tig-11; Mandaluyong at Taguig cities na may tig-10.
Nakapagtala naman ng 9 na bagong kaso ang San Juan City; Parañaque na may 8; Navotas, Caloocan at Pasig, na may tig-7; mga lungsod ng Antipolo, Marikina at Bacolod na may tig-6 at Muntinlupa na nakapagtala naman ng limang bagong kaso.
Samantala, nilinaw naman ni David na ang anumang discrepancies sa datos ay dahil sa error, reporting lag at iba pa, na dapat i-addressed sa DOH. –Sa panulat ni Angelica Doctolero