Nakaalerto na ang emergency unit ng pamahalaang lokal ng Maynila para magbigay tulong sa mga commuter at motorista na maaapektuhan ng dalawang araw na tigil pasada simula sa lunes.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, mayroon nang naka stand-by na mga sasakyan ang Manila City Hall at Manila Police District para magbigay ng libreng sakay sa mga mai–istranded na mga pasahero.
Mag de-deploy rin aniya ang kanilang lungsod ng mga truck, ambulansya at rescue teams na titiyak sa kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito, naka full alert na rin ang MTPB o Manila Traffic and Parking Bureau para pangasiwaan ang pagmamando sa trapiko sa araw ng transport strike.