Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang paghihigpit ng seguridad at health measures sa lungsod dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Moreno, sa kanyang directional meeting kasama ang ilang miyembro ng Manila local government unit, inatasan nito ang Manila Police District (MPD) na paigitingin ang police visibility sa mga kalsada at barangay sa lungsod.
Dagdag ni Moreno, ang naturang hakbang ay para matiyak na nasusunod ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Pero sa kabila nito, ani Moreno sa mga kapulisan na maging mahigpit pero maging magalang sa pagpapatupad ng batas.
Samantala, oras namang magtuloy-tuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa alinmang barangay sa lungsod, ay agad namang ila-lockdown.