Nagbigay ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng hotline na maaaring tawagan para mapagtanungan ng mga nagnanais na maturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Manila City Health Officer Doctor Arnold Pangan, maaaring tumawag sa 0927-3510849, 0915-703-0621; 0968-572-1975 o 0961-020-2655.
Tiniyak ni Pangan na makatutulong ang pagtawag sa mga binigay na hotline para masagot ang mga katanungan kaugnay sa pagpaparehistro at pagpapabakuna.
Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na 18 vaccination sites ang bubuksan sa National Capital Region.