Naglunsad ng clean up drive ang lokal na pamahalaan ng Maynila bilang paghahanda sa ASEAN Summit and related meetings sa susunod na linggo.
Ayon kay Danilo Bron ng Department of Public Order and Safety ng Manila City Hall, dalawang trak ng basura ang kanilang hinakot mula sa Manila Bay.
Nagsimula na rin ipinagbawal ang pagtitinda sa kahabaan ng Baywalk gayundin ang paliligo sa Manila Bay.
Una nang sinuspinde ang pasok sa trabaho at klase sa mga paaralan sa Metro Manila sa April 28 para magbigay daan sa ASEAN Summit.
By Rianne Briones