Nananatili ang Maynila bilang isa sa pinaka-peligrosong lungsod sa mundo, sa isinagawang pagsasaliksik ng London-based magazine na “The Economist”.
Lagpak sa 55th rank ang Maynila mula sa animnapung lungsod na bahagi ng safe cities index 2017, ang pag-aaral na ginawa ng economist intelligence unit.
Kabilang sa pinagbatayan sa pag-aaral ang health, infrastructure at personal security ng mga lungsod.
Base sa report, nananatiling mababa ang ranggo ng kabisera ng Pilipinas at pangunahing dahilan ang kamatayan sanhi ng mga kalamidad; vehicular accident at terrorist attack.
Hindi naman malinaw kung ang lungsod lamang ng Maynila ang tinutukoy sa pag-aaral o ang kabuuan ng Metro Manila.
Samantala, kasama naman ng maynila sa bottom 10 ang Cairo sa Egypt; Tehran sa Iran; Caracas sa Venezuela at Ho Chi Minh City sa Vietnam.