Nakahanda ang Manila Water na makipag usap sa pamahalaan upang makabuo ng solusyon sa mahigit P7B multa na dapat bayaran sa kanila ng pamahalaan.
Ang kompensasyon ay napanalunan ng Manila Water sa Singapore Based Arbitration Court dahil sa di umanoy paglabag ng pamahalaan sa probisyon sa kanilang concession agreement.
Ayon sa Manila Water, bago pa man naisapubliko ang ruling ng Arbitration Court, nakipagkita na si Manila Water Chairman Fernando Zobel De Ayala kay Finance Secretary Carlos Domiguez para sabihing handa silang bumuo ng katanggap tanggap na sistema ng implementasyon ng court ruling.
Maliban sa Manila Water, nanalo rin ang Maynilad water services at mahigit sa P3B naman ang dapat bayaran sa kanilang multa ng pamahalaan.