Humirit ng dagdag na alokasyon ng tubig sa National Water Resources Board ang Manila Water at Maynilad bilang paghahanda sa tag-init.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nasa 44 cubic meters per second ang alokasyon sa dalawang nabanggit na water concessionaire mula sa angat dam habang 32 cubic meters per second sa irrigation.
Inihayag naman ni Manila Water Corporate Communications Head Jeric Sevilla na hindi sapat ang kasalukuyang allocation lalo’t mababa ito sa 46 cubic meters per second na inilalaan ng NWRB.
Ipinaliwanag ng Manila Water at maynilad na mataas ang demand sa tubig tuwing tag-init.
Binanggit din ng NWRB na plano nilang bawasan ang water allocation sa mga irigasyon dahil anihan naman at hindi na kailangan ng masyadong tubig ang mga taniman.
By: Drew Nacino