Makakaranas ng halos dalawang linggong water interruption ang mga customers ng Maynilad sa ilang lugar na sine-serbisyuhan nito.
Sinabi ng Maynilad na ang mga customer nila mula sa Paranaque, Las Piñas, Muntinlupa at Cavite ay makararanas ng lower water hanggang no water supply hanggang May 14.
Kasunod na rin ito nang pagkalat ng unusual algae sa Laguna lake na na-obserbahan mula pa nitong nakalipas na April 23 dahil na rin sa mainit na temperatura dulot ng El Niño phenomenon.
Nitong nakalipas na April 27 at 28 ay nakaranas na ng intermittent water supply ang mga customers ng Maynilad sa mga nabanggit na lugar.
Kabilang sa apektado ng kawalan ng water supply ang Alabang, Cupang, Sucat, Ayala Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan sa Muntinlupa City.
Kabilang din ang Almanza 1o at 2, Pamplona 1 hanggang 3, Pilar, Pulanglupa 2, Talon 1 hanggang 5, BF Almanza, BF International at CAA sa Las Piñas city.
Apektado rin ang BF Homes at San Antonio sa Paranaque city, Bayan Luma 1 hanggang 9, Bucandala 1 hanggang 4, Malagasang 1-A hanggang 1-D, Poblacion 3a at 3b, Poblacion 4-A hanggang 4-D, Tociong 1-A hanggang 1-C at Pasong Buaya 2 sa Imus City.
Bukod pa ito sa Molino 3 at 4, Molino 7, Queens Row Central, East at West at San Nicolas 3 sa Bacoor city.