Kasado na ang assigned rotational water service interruption ng Maynilad dahil sa pagbaba ng water level ng Ipo Dam.
Ang pagbaba ng antas ng tubig sa Ipo Dam ay dulot na rin nang paghina ng runoffs sa Ipo Watershed.
Sinabi ng Maynilad na hindi na umaabot sa maintaining level na 101 meters ang water level ng Ipo Dam kahit nananatili sa 42 cubic meters/second ang alokasyon ng raw water mula sa Angat Dam.
Ang water interruption ay mahigpit na ipatutupad sa mga susunod na araw hanggat hindi tumataas ang water elevation sa Ipo Dam kayat hinihimok ang lahat ng consumers na makiisa sa pagtitipid ng tubig.
Ipinaalala naman ng Maynilad sa consumers na mag-ipon lamang ng sapat na tubig na gagamitin kada araw at pagbalik ng supply matapos ang water service interruption, dapat panandaliang padaluyin ang tubig hanggang sa luminaw ito.
Kabilang sa mga apektado ang customers ng Maynilad sa Makati City, Malabon, Maynila, Navotas, Parañaque, Pasay at Caloocan.