Inatasan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynilad na magbigay ng rebate sa ilang customers na kanilang sinerserbisyuhan.
Ito’y matapos magkamali ang Maynilad sa kompyutasyon ng bill na hindi alinsunod sa mga rate na kanilang inaprubahan.
Gumamit anila ang Maynilad ng Local Franchise Tax (LFT) ng Local Government Units kung saan sila nagseserbisyo sa halip na approved rate ng MWSS Board of Trustees (BOT).
Dahil dito, ipinag-utos ng MWSS na bigyan ng rebate ang kanilang mga customers na mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Pinas, Malabon, Valenzuela at Quezon City.
Ang naturang rebate ay saklaw ng bill ng Maynilad customers mula nitong Marso hanggang ngayong buwan.