Inanunsiyo ng Maynilad na maaaring mabigyan ng anim na buwang installment ang kanilang mga customer na hirap paring makapagbayad ng kanilang bill sa gitna ng pandemiya.
Nabatid na bibigyan ng Maynilad ang mga kumukunsumo ng 50% down kung saan, maaring bayaran ang kanilang mga bill sa loob ng tatlong buwan.
Sakaling umapela ang mga customer ay maaari pa nila itong gawing 30% down na babayaran naman sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo, pag-uusapan pa ng ahensya na gawing anim na buwan ang installment sa bill ng mga consumer.—sa panulat ni Hya Ludivico