Humirit na rin ang Maynilad ng dagdag-singil na target ipatupad simula Enero ng susunod na taon.
Ang nasabing dagdag-singil ay bahagi ng rate-rebasing simula sa nasabing panahon.
Mahigit P3.00 per cubic meter ang hirit na dagdag ng Maynilad sa unang taon subalit may kasunod ito hanggang taong 2027.
Gayunman, nilinaw ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrcik Ty na hindi pa pinal ang hiling ng Maynilad dahil daraan pa ito sa public consultation at ipe-presenta pa sa Board of Trustees para aprubahan.
Ayon naman kay Maynilad Chief Operating Officer Randy Estrellado, tanggap nila na inflation lamang muna ang maaari nilang bawiin sa mga consumer habang inaayos ang kanilang serbisyo.
Ipinunto ni Estrellado na apat na taon nang walang dagdag-singil ang Maynilad.