Magkakasa ng temporary shutdown ang Maynilad sa kanilang North C at Commonwealth pumping stations sa Quezon City.
Sinabi ng Maynilad na magsasagawa sila ng interconnection sa kanilang bagong kabit na water pipes sa Barangay Commonwealth at Payatas para mas mapabuti pa ang water services sa west zone.
Dahil sa shutdown, mawawalan ng supply ng tubig sa loob ng 16 na oras simula 10:00 ng gabi ng March 4 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng March 6 ang Barangay Ugong partikular ang Hobart Phase 1 at 2 at ang Donia Marciana Subdivision.
Mawawalan din ng supply ng tubig sa parehong oras at petsa ang mga barangay sa Quezon City tulad ng Bagbag, Bagong Silangan, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, Nagkaisang Nayon, North Fairview, San Bartolome, Sta. Lucia, Sta. Monica, Sauyo at Talipapa.
Aabutin naman ng tatlong araw o mula alas 10:00 ng gabi ng March 4 hanggang alas 10:00 ng gabi ng March 7 ang water interruption sa iba pang lugar sa Quezon City tulad ng Barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na kaagad mag ipon ng sapat na tubig lalo na’t posibleng ma delay ang pagbabalik ng supply ng tubig depende sa taas ng lugar, layo nito sa pumping stations at dami ng gumagamit ng tubig.