Nag-anunsyo ng tigil-suplay ang Maynilad Water Services Incorporated mula ngayong araw na ito hanggang sa ika-24 ng Nobyembre.
Ayon sa Maynilad, kailangan pa nilang linisin ang kanilang treatment plants na pinasok ng maliliit na buhangin sa pagdaan ng Bagyong Ulysses noong isang linggo, para bumalik sa normal ang volume ng tubig na kanilang napo-produce.
Sa kanilang Facebook page, ipinabatid ng Maynilad na maaaring malabo o may kulay ang unang labas ng tubig kaya’t padaluyin muna saglit hanggang luminaw na ito.
Humihingi ng paumanhin ang Maynilad sa 70% ng kanilang customers na apektado ng water interruption at nangakong tuluy-tuloy ang pagsisikap nilang maibalik sa normal ang suplay ng tubig.