Mawawalan ng tubig ngayong Semana Santa ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite na siniserbisyuhan ng Maynilad Water Services Incorporated.
Bahagi ng gagawing maintenance works mula April 16, Martes Santo hanggang April 20, Sabado de Gloria ang pipe decommissioning, pipe interconnections, pagpapalit ng valves at iba pang pagkukumpuni.
Apektado ng maintenance works ang Maynila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Paranaque, Las Piñas at Bacoor, Cavite.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag ipon ng tubig tatlong araw bago ang water interruption para maiwasan ang sabay sabay na pag iipon na nagiging dahilan ng heavy withdrawals mula sa kanilang mga pasilidad.
Maaari rin itong magdulot ng mahinang pressure sa ibang lugar na magre resulta sa pagkawala ng tubig ng mas maaga kaysa sa nakatakdang oras.
Tiniyak ng Maynilad ang apat napung water tankers na magrarasyon ng tubig kung kinakailangan.