Kumukuha na rin sa mga water treatment plant at deep well ang Maynilad at Manila Water.
Ito anila ay para madagdagan ang suplay ng tubig –ngunit ayon sa dalawang water concessionaire, hindi pa rin ito sapat.
Paliwanag ng Mmanila Water, bagama’t may dagdag na 200 million liters/day (MLD) mula sa Cardona Water Treatment Plant at mga deep well, kulang pa rin ng ito dahil binawasan ang kanilang alokasyon.
Ayon sa Manila Water kulang pa ng 150 MLD para tugunan ang suplay ng tubig ng tinatayang 1,800 MLD na kinokunsumo ng mga customer.
Tulad rin ng Manila Water, kulang din ang maynilad ng 180 MLD kahit pa may dagdag na 94 MLD mula sa Putatan Treatment Plant at mga deep well.
Ngunit ipinabatid naman ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David na posibleng hindi na mabawasan pa ang alokasyon ng tubig ng mga water concessionaire pagsapit ng tag-init.