Nakatakdang magbawas ng singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water na pawang mga malaking water company sa bansa.
Batay sa inilabas na abiso ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), aarangkada ang bawas-presyo sa ika-1 ng Oktubre.
Paliwanag ng MWSS, ito’y dahil sa mas mababang 4th quarter Foreign Currency Differential Adjustment na may koneksyon sa palitan ng piso kotra dolyar.
Kung ang pagtataya ng MWSS ang susundin, inaasahang bababa ng P0.15 kada cubic meter ang singil ng Manila Water, habang P0.01 kada cubic meter naman ang magiging bawas sa presyo ng Maynilad.