Hinimok ni Senador Imee Marcos ang Maynilad at Manila Water na pag-aralan at tanggapin ang bagong kontrata na papalitan sa umiiral na kasunduan.
Ito ay matapos na muling magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga water concessionaires na tanggapin na ang bagong kontrata o tuluyan namng makansela ang umiiral na kontrata.
Ayon kay Marcos, dapat na isaisip na ang prioridad ay ang pagbibigay ng malinis at murang suplay ng tubig at pangalawa na lamang dito ang commercial interest.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahit pa tanggapin ng mga water concessionaire ang bagong kontrata ay hindi garantiya ito na hindi sila papanagutin sa batas.