Tuloy din ang sistemang “read and bill” ng Maynilad at Manila water maliban kung mayroong nasa ilalim ng lockdown.
Sinabi ni Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo, maraming customer ang kayang ibigay nag kanilang meter reading kung saan maaaring magawan ng statement of account upang makapagbayad.
Ipinabatid naman ng Manila water na kung walang mabasang Metro ngayon ay wala nang bill sa susunod na buwan.
Gayunman, nagsimula na ang Maynilad at Manila water na mamutol ng koneksiyon sa mga kabahayang ilang buwan nang hindi nakapagbayad.— sa panulat ni Rashid Locsin