Nagbabala ang pamunuan ng Maynilad sa publiko hinggil sa mga indibidwal na nagpapanggap na sila’y empleyado o authorized collecting agent ng naturang water company, na nagbabahay-bahay para maningil ng water bill.
Sa inilabas na abiso ng Maynilad, sinabi nito na wala silang pinapayagang mangolekta o maningil ng bayad sa water bill ng kanilang mga customer.
Giit pa ng Maynilad, maging ang kanilang mga empleyado o service providers ay hindi rin pinapayagang makapaningil.
Kasunod nito, paalala ng Maynilad sa publiko, tanging sa mga awtorisadong mga payment channels lang nito magbayad ng kani-kanilang mga water bill.