Nagpaliwanag ang Maynilad sa nag-viral na mahigit P100,000 bill sa tubig ng isang customer.
Galit na ipinakita ni Dominic Songco sa social media ang kanilang bill na mahigit sa P100,000 gayung ang nakadagdag lang anya sa kanilang konsumo ay ang kanilang inflatable pool.
Ayon kay Zmel Grabillo, spokesman ng Maynilad, nagkamali ng input sa meter reading noong June na sa halip na 2228 ay naging 1228.
Kaya naman kapag ibinawas anya ito sa meter reading ng July na 2232, lalabas talagang mahigit sa 1,000 kyubiko ang konsumo.
Tiniyak ni Grabillo na isolated incident lamang ito at naitama na nila ang pagkwenta sa konsumo ni Songko na aabaot lamang sa 104 cubic meters.