Nanghingi ng paumanhin ang Maynilad sa pagkabigo nilang maibalik kaagad sa normal ang suplay ng tubig ng kanilang mga customers.
Ito ay kasunod na rin ng epekto ng pag-ulang dala ng Bagyong Ulysses na nagdulot ng pagtaas ng turbidity level o paglabo ng tubig mula sa Ipo Dam.
Dahil dito, nakaranas ng mas mahabang service interruption ang Maynilad customers kumpara sa inaasahan.
Maaari namang magtungo sa official Facebook page at Twitter account ng Maynilad para sa mga updates kaugnay sa kanilang service interruption schedules.
Samantala, tiniyak naman ng Maynilad sa kanilang mga customers na ginagawa nila ang lahat upang mapawi ang naging epekto ng pagbabawas ng kanilang isinusuplay na tubig.