Pinagmumulta ng regulatory office ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad Water Services Inc. dahil sa problema sa suplay ng tubig sa Katimugang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay MWSS regulatory office chief Patrick Lester Ty, nabigo ang maynilad na gawin ang obligasyon nito na pagbibigay ng 24-oras na suplay ng tubig.
Una nang nagpadala ng notice ang MWSS sa Maynilad para pagpaliwanagin ito.
Para makabawi sa mga customers, inaalam na ng MWSS ang accounts ng cutomers na magkakaroon ng diskwento.
Ang mga siyudad ng Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Pasay, Bacoor, Imus, Cavite at ilang lugar sa Noveleta at Rosario ang naapektuhan ng pagkawala ng suplay simula noong Disyembre 2021.—-sa panulat ni Abby Malanday