Pinagpapaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS) ang Maynilad.
Kaugnay ito ng naranasang water service interruption ng mga customers ng Maynilad dahil sa paglabo ng tubig matapos tumama ang Bagyong Ulysses.
Batay sa dalawang notice to explain na ipinadala ng MWSS noong Nobyembre 16 at 20, dapat ipaliwanag ng Maynilad ang kabiguan nitong maagang magpalabas ng abiso sa kanilang mga customers.
Ayon sa mwss, inaasahan naman ang pagtaas ng lebel ng turbidity ng raw water mula sa Ipo Dam dahil sa pagbuhos malakas na ulan hatid ng bagyo at magreresulta sa pagbababa ng water production.
Kinakailangan ding ipaliwanag ng Maynilad ang hindi nito pagsunod sa kanilang ipinalabas na schedule ng water service interruption.
Dagdag ng MWSS, inaasahan nilang isusumite ng Maynilad ang kanilang opisyal na paliwanag ngayong linggo, kalakip ang mga panukalang solusyon para maiwasan nang maulita ng katulad na problema.