Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Maynilad Water Services sa National Water Resources Board (NWRB) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para masiguro na patuloy ang suplay ng tubig at maibigay ang kailangan ng kanilang mga customer sa metro manila at iba pang lugar sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Jennifer Rufo, Corporate Communications Head ng Maynilad, ngayong tumitindi ang tag-init, lalong lumalakas ang demand sa tubig.
Ayon kay Rufo, naghanda ang Maynilad ng Supply augmentation sakaling kapusin ng suplay dahil sa mababang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sinabi ni Rufo na patuloy na gumagawa ng paraan ang maynilad kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno para matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig.
Kaugnay nito, nanawagan si Rufo sa publiko upang mas makatipid sa suplay ng tubig at mapaliit ang babayaran sa kanilang mga bill. —sa panulat ni Angelica Doctolero