Pormal nang hiniling ng Commission on Elections o COMELEC sa Malacañang ang pagdedeklara sa Mayo 14, araw ng halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan, bilang special non-working holiday.
Batay sa ipinalabas na Resolution Number 10301 ng COMELEC, iginiit nito na mahalagang maideklara ang Mayo 14 bilang holiday para mabigayan ng pagkakataon ang mga botante na bumoto.
Ayon sa COMELEC, kanila nang naisumite sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing resolusyon at hinihintay na lamang ang tugon ng Malacañang.
—-