Idineklara ng Malakanyang bilang regular holiday ang Mayo a – tres bilang pagdiriwang ng Eid‘l Fitr.
Inanunsyo ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang tugon sa hiling ng National Commission on Muslim Filipinos kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang holiday ang nasabing petsa.
Una nang inihayag ng Grand Mufti ng Bangsamoro Darul-Ifta na magsisimula ang pagdiriwang mamayang gabi o sa sandaling sumulpot ang crescent moon at magtatapos kinabukasan din ng gabi.
Ang Eid’l Fitr ay pagtatapos ng banal na pag-a-ayuno sa buwan ng Ramadan at pagsisimula naman ng Shawwal, ang ika-sampung buwan sa Islamic Lunar Calendar.